Convenience fee sa mga nagbabayad gamit ang E-wallet, libre na–Meralco

Convenience fee sa mga nagbabayad gamit ang E-wallet, libre na–Meralco

BINIGYANG linaw ng Meralco para sa lahat ng nagbabayad ng kanilang monthly bills gamit ang bayad E-wallet na libre na ang kanilang convenience fee.

Ito ay matapos makatanggap ng mga reklamo ang kumpanya na naniningil umano ang naturang App ng convenience fee para maiproseso ang bayarin ng kanilang mga konsyumer.

Ayon kay Meralco Vice President for Corporate Communications at Spokesperson Joe Zaldarriaga, na hindi kumikita ang Meralco sa paniningil ng convenience fee ng mga payment App gaya ng Gcash, Maya, Visa, Mastercard, at JCB Bankcards.

Mapapansing umaabot sa ₱6 hanggang ₱7 ang convenience fee na sinisingil ng Gcash at Maya habang ₱15 naman sa Visa, Mastercard, at JCB.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble