HINDI si PNP Chief Rommel Francisco Marbil kundi isang mataas na opisyal ng PNP ang dumaan sa Edsa Busway Ortigas Northbound Carousel kahapon ng gabi, February 25, 2025.
Ito ang agad na paliwanag ni Police Regional Office 3 Director at Concurrent PNP Spokesperson, PBGen. Jean Fajardo.
Kasunod ng ginawang pagsita ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT) sa nasabing pasaway na convoy.
Pinili namang huwag pangalanan ng PNP ang naturang opisyal na humahawak raw ng sensitibong posisyon sa Pambansang Pulisya para maiwasan ang banta sa seguridad nito.
Ayon kay Fajardo, napilitang dumaan ang naturang convoy sa EDSA Busway dahil kailangan nitong makarating agad sa Kampo Crame para sa isang mahalagang aktibidad bagay na hindi na raw ito nakipagtalo pa sa mga tauhang sumita sa convoy.
Makikita naman sa video ng SAICT na humarurot na paalis ang dalawang SUV na may plate number na SAB 5964 white Toyota Innova at white Fortuner na may plate no. NIE 9582 kaya hindi na ito natiketan.
Subalit, ilang minuto pa, bumalik ang isang Fortuner at tiniketan ang driver pero napag-alaman na ibang sasakyan na pala ito mula sa nasitang convoy.
Follow SMNI News on Rumble