Court of Appeals, hindi pinagbigyan si Ampatuan na ilipat sa medical facility mula NBP

Court of Appeals, hindi pinagbigyan si Ampatuan na ilipat sa medical facility mula NBP

HINDI pinagbigyan ng Court of Appeals (CA) ang request ni dating Autonomous Region on Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan na ilipat sa isang hospital mula sa New Bilibid Prison (NBP).

July 20, 2020 nang hiniling ni Ampatuan sa Quezon City Regional Trial Court branch 221 na ilipat siya sa isang medical facility para maprotektahan ito mula sa COVID-19.

Ibinasura naman ito ng Quezon City RTC ngunit naghain ng petition for certiorari si Ampatuan sa CA.

Ngayon sa desisyon ng CA na inilabas noong July 4, hindi pinagbigyan ang hiling dahil noong July 20, 2020 nang inihain ang request ay isinailalim na sa general community quarantine ang buong Pilipinas.

Matatandaang medyo maluwag na ito na COVID-19 classification.

Maliban pa dito, March 2021 nang sinimulan ang COVID vaccination at kasalukuyan pang nasa alert level 1 ang karamihan sa mga lugar sa Pilipinas lalong lalo na ang Metro Manila.

Inihain ang request ng kampo ni Ampatuan dahil nagkaroon na ng stroke si Ampatuan ng tatlong beses bago ito na i-detain sa NBP.

May hypertension, diabetes mellitus at chronic atrial fibrillation pa si Ampatuan ayon sa kampo nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter