BATAY sa datos ng Philippine National Police (PNP), nasa 10 pangalan pa mula sa third level officers ang hanggang ngayon ay hindi nagsusumite ng kanilang pagbibitiw kaugnay sa hamon ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. sa organisasyon dahil sa isyu ng iligal na droga sa PNP.
Sa panayam ng SMNI News kay PNP chief PIO Col. Rederico Maranan, 7 full colonels at 3 mga heneral na lang ang hinihintay na kukumpleto sa 951 na mga opisyal ng third level ranks ng PNP matapos na magretiro ang 5 mga heneral kamakailan lamang.
Patuloy ang paalala ng PNP sa mga kawani nito na tumalima sa hamon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kanilang hanay bilang patunay na malinis ang organisasyon sa impluwensiya ng paggamit, pagbebenta at distribusyon ng iligal na droga sa bansa.
Bagamat muling nilinaw ng PNP na nananatiling hindi sapilitan ang hamon na ito.