MAGIGING 156 sessions na mula sa 90 ang coverage ng hemodialysis sessions ng PhilHealth.
Ayon kay PhilHealth Corp. Affairs Group acting Vice President Rey Baleña, binubuo na lang nila ang magiging guidelines bago mailabas ang circular order.
Sinabi rin ng PhilHealth na nagkakahalaga ng 2,600 pesos ang bawat session ng dialysis subalit mababawasan ito mula sa total medical bill ng isang pasyente sa ilalim ng PhilHealth program.
Nauna nang inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang PhilHealth na palawakin pa ang coverage sa mga miyembro nito.
Samantala, ang PhilHealth ay mayroong kabuoang 1,073 accredited dialysis centers.