COVID-19 cases ngayong linggo mas mababa ng 36%

COVID-19 cases ngayong linggo mas mababa ng 36%

NAKAPAGTALA ng 1,206 na bagong cases ang bansa mula Enero 23 hanggang 29, 2023.

Ito ay mas mababa ng 36% kung ikukumpara sa mga kaso noong Enero 16 hanggang 22.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 172.

Sa mga bagong kaso, 1 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 74 na pumanaw kung saan 6 ay naganap noong Enero 16 hanggang 29.

Follow SMNI NEWS in Twitter