COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagya pang tumaas –OCTA

COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagya pang tumaas –OCTA

BAHAGYA pang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, sumipa pa sa 12.4% ang positivity rate sa NCR noong Disyembre 3 mula sa 11.1% noong Nobyembre 26, 2022.

Ayon kay David, nakitaan din ng pagtaas ng positivity rate sa parehong panahon ang mga lalawigan ng Bataan, Cagayan, Camarines Sur, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon, Rizal, at Zambales.

Ang Nueva Ecija ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate na nasa 39.1%, sumunod ang Camarines Sur na may 38.8% at Isabela na may 38.6%.

Kabilang naman sa mga lalawigan sa Luzon na nakapagtala ng bumabang positivity rates ang Albay, Batangas, Benguet, Bulacan, Cavite, Isabela, Kalinga, La Union, Mountain Province at Tarlac.

 

Follow SMNI News on Twitter