MAAARING ipatupad ng Pilipinas ang COVID-19 testing requirements para sa mga manlalakbay mula sa China.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. basta’t nakabase aniya sa siyensya at nakadepende rin sa pangangailangan.
Nasabi ito ng Punong-Ehekutibo sa gitna ng pagpapatupad na ng ibang mga bansa ng bagong COVID-19 testing rules sa mga biyahero na nagmula sa China.
Idinagdag pa ni Pangulong Marcos na kung manageable naman ang sitwasyon, tiyak na mahahanapan ng paraan ng pamahalaang Pilipinas upang hindi tuluyang isara ang borders sa China.
Bagkus, mahahanapan pa ng paraan na magkaroon ng procedure upang ma-test ang mga manggagaling sa China na maaaring na-expose o na-infect ng COVID-19.