Creamline, hindi nahirapan sa laban nito sa Army upang makuha ang back-to-back wins

Creamline, hindi nahirapan sa laban nito sa Army upang makuha ang back-to-back wins

HINDI nahirapan ang Creamline upang makuha ang ikalima at ikalawang sunod nitong panalo sa 2023 Premier Volleyball League All-Filipino Conference matapos nitong talunin ang Army-Black Mamba sa loob lamang ng 3 straight sets.

Nagtapos ang iskor sa pagitan ng Cool Smashers at Black Mamba sa 25-15, 25-20, 25-12.

Pinangunahan ni Tots Carlos ang Creamline na nakapagtala ng 17 points via 14 attacks, 2 blocks at service ace.

Dahil dito, bumuti na ang standing ng Cool Smashers na may record na 5-1 win-loss habang ang Lady Troopers naman ay nakuha ang kanilang ikalimang sunod na pagkatalo.

Follow SMNI NEWS in Twitter