Crop insurance ng mga magsasaka at mangingisda sa 1st quarter ng 2024, inilabas na

Crop insurance ng mga magsasaka at mangingisda sa 1st quarter ng 2024, inilabas na

INILABAS na ang Department of Budget and Management (DBM) ang kabuuang 4.5-B Special Allotment Release Order (SARO) na crop insurance sa unang quarter ng taon.

Ang pondo ay para sa mga magsasaka at mangingisda sa bansa.

Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, ang naturang pondo ay makakatulong sa nasabing sektor na apektado ng mga kalamidad at ng nararanasan ngayong El Niño.

Makatutulong din ito na mapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa at matiyak na protektado ang kanilang kabuhayan.

Sinabi pa ng DBM, may P900-M na notice of cash sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble