CTGs sa Tagkawayan Quezon, nakasagupa ng mga kasundaluhan; Mga gamit pandigma narekober

CTGs sa Tagkawayan Quezon, nakasagupa ng mga kasundaluhan; Mga gamit pandigma narekober

NAKASAGUPA ng mga kasundaluhan ng 85th Infantry Battalion ang mga miyembro ng communist terrorist group (CTG) sa hangganan ng Brgy. Manato Central at Brgy. San Roque sa bayan ng Tagkawayan, Quezon.

Ito ay habang nagsasagawa ng combat operation ang mga kasundaluhan, araw ng Martes, Disyembre 19, 2023.

Narekober ang isang bandolier, apat na improvised explosive device (IED), apat na magazine, apat na bag na naglalaman ng mga personal na gamit at iba pang mga gamit pandigma.

Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng pamahalaan.

Habang patuloy pa ang ginagawang pagtugis ng tropa ng militar at kapulisan sa mga nagsitakas na New People’s Army (NPA).

Nangako naman ang 85IB na hindi sila titigil hangga’t hindi nauubos ang mga naghahasik ng takot at kaguluhan sa mga residente sa nasabing lugar.

Kasabay ang paghikayat sa mga natitirang miyembro ng rebeldeng grupo na sumuko na at iwanan ang armadong pakikibaka.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter