Cultural heritage appreciation, ipinamalas sa mga miyembro ng PH Army

Cultural heritage appreciation, ipinamalas sa mga miyembro ng PH Army

NAGSIPAGTAPOS ngayong araw ang mga nasa 288 na officers mula sa Officer Candidate School ng Philippine Army (PA) na mula pa sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Sa kabila ng pagkakaiba sa relihiyon ng mga bagong graduate officer ay ipinaranas sa mga ito ang Belenismo sa Tarlac na sumasalamin sa kultura na mayroon partikular na sa lalawigan ng Tarlac.

Ito ang kauna-unahang Cultural Appreciation Program ng Philippine Army na naglalayon na mas mapaalab pa ang pag-ibig ng mga officer sa bansa sa pamamagitan ng pagpapahalaga ng mga kulturang mayroon tayo sa ating bansa.

“’Yung event dito is very important to strengthen ang love of country spirit ng Pilipino through appreciating our cultural practices and sabi nga po ng Belen, akala nila it’s a Christian festivity but if you look deeper, it is about giving importance to family. And this is one very important characteristics that we give premium to our family,” ayon kay LtGen. Roy Galido, PA Chief.

Binisita ng lahat ng mga opisyales ang mga likha ng mga nakilahok sa patimpalak upang mas magkaroon pa ang mga ito ng malalim na ugnayan sa kultura na mayroon ang Tarlac.

“But ang importante po is taga-Luzon, Visayas, at Mindanao ang mga students at graduates. Makikita po nila this part naman of Luzon at a festive time of the year. So ano ba ang kahalagahan ng Pasko? Ang pamilya. At ang sentro ng lahat, kapanganakan ni Kristo sa simpleng sabsaban. ‘Yun ang ipagmamalaki natin bilang isang bansa. Anuman ang pananampalataya, kung sinuman ang ating kinikilala sa itaas, respetuhin natin lahat sapagkat lahat tayo Pilipino at isang bansa, isang diwa,” ayon kay Dr. Isa Cojuangco Suntay, Tarlac Heritage Foundation.

Ang mga graduate ng Officer Candidate School ay mga future officer ng Philippine Army na magiging kaakibat ng mga tropa sa field.

Karamihan din sa mga ito ay graduate ng ROTC Program, habang ang iba naman ay mga propesyunal gaya ng engineer, teacher at iba pa na boluntaryong sumali sa army upang magamit at makatulong ang kanilang professional skills sa army.

Isang taon ang inaabot ang kanilang training at nakatuon ito sa basic military at leadership training lalo na’t importante ayon sa Army chief na sumunod ang kanilang nasasakupan sa kanila upang mas maging magaan at maayos ang pagsasagawa ng operasyon at seguridad ng mga ito sa kanilang mga komunidad.

“When we love our country, all of us, will come at point helping each other to defend our country,” dagdag ni LtGen. Roy Galido.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble