Kauna-unahang IRICEEA 2023, matagumpay na inilunsad sa DMMMSU-Bacnotan, La Union

Kauna-unahang IRICEEA 2023, matagumpay na inilunsad sa DMMMSU-Bacnotan, La Union

PINANGUNAHAN ng Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) ang kauna-unahang International Research and Innovation Conference on Education, Engineering and Agriculture (IRICEEA) 2023 na inilunsad sa International Convention Center, DMMMSU-NLUC, Bacnotan, La Union.

Nilahukan ang IRICEEA 2023 ng iba’t ibang state universities and colleges (SUCs), government agencies na may temang “Strenthening Research and Innovation Ecosystem Through Education, Engineering, and Agriculture”.

Layunin ng kumperensiya na pagtipunin ang mga eksperto sa larangan ng edukasyon, enhinyera, at agrikultura upang ibahagi ang kanilang kaalaman, karanasan at talakayin ang mga inobatibong ideya, pananaw, at pag-iisip sa hinaharap para sa Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations.

Nagtagal ng tatlong araw ang aktibidad kung saan nagkaroon ng paper presentations sa education, engineering and agriculture mula sa mga partisipante ng iba’t ibang kolehiyo at unibersidad.

Ayon kay DMMMSU President Dr. Jaime Manuel, Jr., ang IRICEAA ay inisyatiba ng unibersidad at matagal nang pinagplanuhan at pinaghandaan simula pa ng nakaraang taon.

“We have invited more than ten partner institutions na kasama namin na maglulunsad dito sa first international conference na ito. Kami ay nagpapasalamat, maganda naman ang resulta ng pagtanggap ng mga other universities, other participants sa pagpunta dito sa conference na inilunsad ng Don Mariano Marcos Memorial State University,” ayon kay Dr. Jaime Manuel, Jr., President, DMMMSU.

Ayon kay DMMMSU VP for Research Dr. Angelina Gonzales, napakahalaga ang pakikipag-partner sa iba’t ibang ahensiya at state universities para magkaroon ng palitan ng edukasyon, inobasyon, produkto, at iba pa.

“We need really to have this partnership, we really need to have strong collaboration with other agencies, with other state universities so that there will be an exchange of quality education, exchange of innovative products or projects, or innovations, or inventions that they have and to share the secrets why they have this successful food security in their programs,” ayon kay Dr. Angelina Gonzales, VP for Research, DMMMSU.

Aniya, makatutulong ito sa SDG 17 kabilang ang no poverty, zero hunger, good health and well-being, quality education, gender equality at marami pang iba.

Nagkaroon din ang IRICEEA ng memorandum of understanding (MOU) signing sa 11 colleges and universities at government agencies para sa SINAG Consortium: ASEAN + Network for Sustainable Development Goals, Innovation and Futures Thinking.

Kabilang ang Udon Thani Rajabhat University mula Thailand, Van Lang University ng Vietnam, Department of Science and Technology (DOST)-Regional Office 1, at iba pang mga kolehiyo at unibersidad sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

“This SINAG Consortium will consortium of platform of all the researchers, innovators, inventors, industry lahat ng puwede nating makasama towards our goal to really contribute to SDG 17,” dagdag ni Dr. Angelina Gonzales.

May exhibition din ang IRICEEA 2023 ng iba’t ibang produktong pagkain, imbensiyon, inobasyon, at iba pang mga kagamitan pang-agrikultura.

Significant milestone para sa DMMMSU ang kaunaha-unahang IRICEEA ayon kay Victoria Malaya, Director for Innovation and Technology Commercialization ng DMMMSU.

Masaya ito dahil ang kanilang unibersidad ang nangunguna sa inobasyon at umaasa na marami pang mga unibersidad ang magiging kapartner sa nasabing programa hindi lang sa nasyonal at internasyonal.

“I am so happy and very glad that our university is leading the innovation milestone in the university and in the future, we can collaborate with other institutions not only in national but also international higher education institutions to work with us in strengthening the innovation, ecosystem in the Philippines,” ayon kay Victoria Malaya, Director for Innovation and Technology Commercialization, DMMMSU.

Sa huling araw ng IRICEEA 2023, isinagawa ang awarding of certificates sa institutional partners at mga partisipante bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa aktibidad kung saan highlight ang awarding of winners para sa kanilang namumukod-tanging kontribusyon sa pananaliksik at inobasyon sa edukasyon, inhinyerya, at agrikultura.

Highly successful para kay Vice President for Administration and Quality Assurance Antonio Ogbinar ang IRICEEA at nagpapasalamat ito sa lahat ng mga partisipante.

“The three-day conference about the first international research and innovation conference education, engineering, and agriculture which was hosted by Don Mariano Marcos Memorial State University here in the North La Union Campus Bacnotan has been a great success,” ayon kay Antonio Ogbinar, VP for Administration and Quality Assurance, DMMMSU.

Bago tuluyang nagtapos ang IRICEEA 2023 ay binigyan ng treat ang mga partisipante sa iba’t ibang lugar sa La Union gaya ng tour sa San Juan, farm sa Bauang, city tour sa San Fernando, local industry sa San Juan at Bacnotan, at north circuit tour Sa Luna, Balaoan, at Bangar.

Positibo naman ang DMMMSU na lalawig pa ang IRICEEA hindi lang sa Asya kundi maging sa Europa, Canada, at Amerika.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble