NASA 6,151 lang ang naitalang cybercrime complaints ng Philippine National Police (PNP) ngayon.
Ang datos ay mula Enero – Mayo 9, 2024.
Kung ikukumpara sa 8,775 na complaints noong 2023, katumbas ang pagbaba ng halos 30%.
Pinakabumaba na cybercrime complaints ay sa online selling scam na mayroon na lang 1,365 mula sa 1,741 noong 2023.
Nasa 473 na lang din mula 618 na kaso hinggil sa investment scam at 426 mula sa 591 noong nakaraang taon para sa phishing scam.