MALIBAN sa mapapadali ay tiyak na mababawasan ang korapsiyon sa pamamagitan ng digitalization.
Sa paliwanag ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Ivan John Uy, hindi aniya maaaring suhulan ang mga machine kung kaya’t isa itong advantage.
Ito rin aniya ang dahilan bakit nagkaroon ng mobile application ang pamahalaan na kung tawagin ay egov ph.
Sa pamamagitan nito ay mas mabilis na ang pagsasagawa ng transaksiyon sa pagitan ng pamahalaan at publiko.
Ayon kay Uy, malapit na ring ilunsad ang egov pay system na siyang kukumpleto sa transaction cycle.