IKAKASA ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Cybersecurity Awareness Month 2024 ngayong araw, Setyembre 30, 2024.
Iyan ay sa gitna ng lumalawak na banta sa cyberspace sa bansa.
Ang pagdiriwang ay may temang “Cyber Tiwala, Cyber Handa, Cyber Tatag”.
Ayon sa DICT, ito ay nakasentro sa pangako ng pamahalaan na bumuo ng isang ligtas na digital future sa pamamagitan ng pagpapatibay ng tiwala sa mga hakbang para sa cybersecurity, pagtiyak ng kahandaan laban sa cyberattacks, at pagpapalakas ng katatagan ng bawat indibidwal, organisasyon, at institusyon.
Kasama sa naturang pagdiriwang ngayong araw ang isang inspirational talk mula kay Ms. Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo.
Ilulunsad rin ng DICT ang mga aktibidad para sa buong Oktubre na magtatampok ng cybersecurity awareness.