DA-BPI, nakiisa sa WorldVeg para mapaunlad pa ang sektor ng agrikultura

DA-BPI, nakiisa sa WorldVeg para mapaunlad pa ang sektor ng agrikultura

NAKIISA ang Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng Bureau of Plant Industry (BPI), at World Vegetable Center (WorldVeg), upang magtulungan at bumuo ng collaborative alliance para mas mapaunlad pa ang sektor ng agrikultura.

Ayon sa DA, layunin nila na palakasin ang partnership sa pagitan ng BPI at WorldVeg upang maisakatuparan ang epektibong mga aktibidad sa pananaliksik at pagpauunlad, isulong ang mga inisyatiba sa pagpauunlad ng kapasidad, pagsasagawa ng mga pagsasanay/workshop at mapadali ang pagpapalitan ng impormasyon at teknolohiya.

Nilagdaan ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban, BPI Director Gerald Glenn Panganiban, at WorldVeg Director General Marco C.S. Wopereis ang MOU sa National Seed Industry Council (NSIC) conference room sa Malate, Manila.

Samantala nangako naman ang magkabilang panig sa pagtataguyod ng seguridad ng pagkain sa bansa sa pamamagitan ng paggawa ng sistema ng pagkain at pagpapanatili ng kapaligiran.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter