NAGSAGAWA ang Department of Agriculture (DA) ng imbestigasyon sa dalawang vegetable trading posts ng Benguet upang malaman ang dahilan kung bakit nagmamahalan ang mga carrot, cauliflower, lettuce, cabbage at broccoli kapag ibinebenta sa Metro Manila.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Rex Estoperez na nais ng pamahalaan na maintindihan kung bakit tumataas ang presyo ng mga gulay kapag dinadala ito sa mga producer sa Divisoria Market.
Ani Estoperez, hindi makatarungan na 30 pesos ang kilo ng gulay sa Benguet ngunit pagdating sa Maynila ay umaabot na ito ng nasa 120 piso kada kilo.
Nais na pag-aralan ng DA ang buong trading system at marketing system mula sa mga farm hanggang Benguet Agri-Pinoy Trading Center, at La Trinidad Vegetable Trading Post.