TEMPORARYO munang ipinagbabawal ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng anumang produktong hayop mula Germany.
Kasunod ito ng paglaganap ng nakakahawang foot-and-mouth disease doon.
Sinabi ng DA na maaari lamang alisin ang naturang importation ban kung maglalabas ng FMD-free status ang World Organization for Animal Health para sa mga produkto ng Germany.
Sa ngayon, ipinagbabawal na rin ng DA ang paglalabas ng sanitary at phytosanitary import clearances para sa animal products ng Germany.
Follow SMNI News on Rumble