DA, posibleng mag-angkat ng 200K metriko tonelada ng asukal sa Hulyo

DA, posibleng mag-angkat ng 200K metriko tonelada ng asukal sa Hulyo

PINAPLANTSA na ng Department of Agriculture (DA) ang planong pag-aangkat ng asukal ng bansa.

Ito ay para mapunan ang kakulangan sa panahon kung kailan inaasahang bababa ang suplay ng asukal.

“’Yung current stocks bababa na by August, September, so we have to have gap sugar ng 200,000 tons at least by September, October,” wika ni Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. Department of Agriculture.

Nilinaw pa ng kalihim na ang hakbang ay para maging abot-kaya ang asukal sa mga pamilihan.

Posibleng maglabas ang DA ng bagong sugar order sa buwan ng Hulyo para sa pag-aangkat ng asukal.

Sa ilalim ng bagong sugar order, kailangang dumating sa bansa ang mga inangkat na asukal sa buwan ng Oktubre o bago ang harvest season.

Ito ay para hindi maapektuhan ang mga lokal na magsasaka ng tubo.

Ang United Sugar Producers Federation (UNIFED) ay pabor din sa planong pag-apruba sa pag-aangkat ng asukal.

Maaantala rin kasi ang darating na anihan dahil sa epekto ng El Niño kaya’t napapanahon ang pag-aangkat ng asukal.

“This will fill in the shortage before harvest season starts on September. Harvest this coming crop year will be delayed due to El Niño and when we were consulted about this matter, we approved the proposal,” wika ni Manuel Lamata, President, UNIFED.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble