UMAASA ang Department of Agriculture (DA) na malalagpasan ngayong taon ang naging 20.06 million metric tons na palay production ng bansa noong 2023.
Sa pahayag ng ahensiya, ang maagang release ng P10B mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay makatutulong para mapalakas at maabot ang nasa 20.46 million metric tons na target output ngayong taon.
Sa ilalim ng Republic Act No. 12078 o ang Agricultural Tarrification Act, may taunang alokasyon mula dito na P30B para maisamoderno ang farm equipment, ma-enhance ang seed quality at mapaunlad ang produksiyon ng mga magsasaka.