Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, ipatutupad ngayong linggo

Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, ipatutupad ngayong linggo

MAGPAPATUPAD ang mga kompanya ng langis ng dagdag-bawas sa kanilang produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa pagtataya ng oil industry, tataas mula P0.20 hanggang P0.40 ang kada litro ng diesel.

Habang bababa naman mula P2.00 hanggang P2.30 ang kada litro ng gasolina at mula P0.40 hanggang P0.60 ang kada litro ng kerosene.

Ang pinal na oil price adjustment ay iaanunsiyo ng mga kompanya ng langis ngayong araw ng Lunes at magiging epektibo sa araw ng Martes, Oktubre 3.

Follow SMNI NEWS on Twitter