DAGDAG-presyo sa produktong petrolyo ang nakaamba ngayong linggo.
Batay sa monitoring ng Oil Industry Management, posibleng tumaas ng 40-60 sentimos ang presyo sa kada litro ng diesel habang 60-70 naman sa kerosene.
Gayunman, posible namang hindi gumalaw ang presyuhan sa gasolina.
Ang naturang pagtataya ay base sa four-day trading sa Mean of Platts Singapore mula Enero 8-11.
Magugunita na nitong nakaraang linggo, tumaas ng 10 sentimos ang presyo sa kada litro ng produktong petrolyo.
Nakatakda namang i-aanunsiyo ng mga kompanya ng langis ang kanilang pinal na price adjustment ngayong araw at magiging epektibo ito sa araw ng Martes.