HAHABOL bago magtapos ang taong 2023 ang mga kompanya ng langis sa pagpapatupad ng big-time oil price hike.
Ito ang inanunsiyo ng Department of Energy (DOE) nitong Biyernes dahil sa umano’y pagtaas ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Sa susunod na linggo inaasahan ang pagtaas ng P1.40 to P1.60 per liter sa gasolina; P1.40 to P1.60 per liter sa diesel at P1.60 to P1.80 per liter sa kerosene.
Paliwanag ni DOE-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang adjustment ay dahil sa pagtaas ng build-up ng stockpiles ng krudo sa Estados Unidos at sa mga usapang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas.
Bukod pa dito ay marami na ring kompanya ng langis ang umiiwas na dumaan sa Red Sea dahil sa mga pag-atake ng mga rebelde sa lugar.
