EPEKTIBO na ang fare increase sa mga public utility vehicle (PUV) sa Oktubre 3, 2022.
Ito ang paalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), 15 araw matapos ianunsyo ng ahensya ang pagtaas ng singil sa mga pampublikong sasakyan noong Setyembre 16, 2022.
Sa inilabas na desisyon ng LTFRB, inaatasan ang bawat PUV operator at driver na maglagay ng updated na fare matrix or fare guide sa kanilang mga sasakyan na makikita agad ng kanilang pasahero.
Bukod pa rito, hindi maaaring magtaas ng pamasahe ang mga PUV driver at operator hangga’t wala pang nai-issue sa kanila na fare matrix guide.
Kung may reklamo sa pagpapatupad ng fare increase sa mga pampublikong sasakyan, maaaring ipaabot ang reklamo sa LTFRB 24/7 hotline: 1342 o mag-send lang ng message sa LTFRB official Facebook page o magtungo sa official website nito.