Abiso sa mga motorista!
Ipinapatupad na ng mga kumpaniya ng langis ang panibagong dagdag presyo sa produktong petrolyo ngayong araw, February 25, 2025.
Sa anunsyo, 70 sentimos ang taas presyo sa kada litro ng gasolina habang 40 sentimos sa kada litro ng diesel.
Sa kada litro ng kerosene ay nasa 20 sentimos naman ang dagdag presyo.
Ang oil price hike ngayong linggo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Follow SMNI News on Rumble