Dagdag presyo sa produktong petrolyo, naka-amba ngayong linggo

Dagdag presyo sa produktong petrolyo, naka-amba ngayong linggo

NAKA-amba ngayong linggo ang dagdag presyo sa produktong petrolyo.

Bad news sa mga motorista.

May naka-ambang dagdag presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa pagtataya, posibleng tataas mula P0.80 o sasampa hanggang piso ang kada litro ng gasolina.

Ang kada litro ng diesel ay posibleng tataas din mula P0.50 hanggang P0.70 at mula P0.30 hanggang P0.50 ang kada litro ng kerosene.

Asahan naman ngayong araw ng Lunes ang anunsyo ng mga kumpaniya ng langis para sa kanilang pinal na price adjustment.

Samantala, inanunsyo rin ng Regasco na may dagdag-presyo na P0.50 ang kada kilogram simula ngayong araw.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble