Dagupan City, magiging kauna-unahang Justice Zone sa lalawigan ng Pangasinan

Dagupan City, magiging kauna-unahang Justice Zone sa lalawigan ng Pangasinan

HINDI inakala ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez na magiging Justice Zone na ang kaniyang lungsod matapos ang isang taon simula noong hiniling niya ito sa Korte Suprema sa isang liham.

“Last year we wrote (Associate) Justice (Maria Filomena) Singh. She was here sa may Justice Hall nag-attend kami ng meeting and then napag-usapan namin ‘yung Justice Zone then immediately we sent a letter to her but it took almost a year na na-approve nila pero marami silang…in fact we are given an office for the Justice Zone,” pahayag ni Mayor Belen T. Fernandez, Dagupan City, Pangasinan.

Ayon kay Mayor Fernandez, ang kagandahan sa pagiging Justice Zone ng lugar ay ang pagsasanib-puwersa ng Justice Sector Coordinating Council (JSCC) na kinabibilangan ng Korte Suprema, Department of Justice (DOJ), at Department of Interior and Local Government.

Ibig sabihin magsama-sama ang mga piskal, hukom, mga abogado para sa mabilis na hustisya partikular na sa mga kababaihan at mga bata na hindi na kailangang maghintay ng mahabang panahon para makamtan ito.

Ayon kay Supreme Court Chief Justice Hon. Alexander G. Gesmundo, matutugunan ng Justice Zone ang mga problema ng mga pagkaantala ng kaso at ang kawalan ng pananagutan sa krimen.

“The Justice Zone is our key programs dedicating to the delivery of justice maximize our coordination among different agencies to address the issue of delaying and the greater problem of accountability,” saad ni Hon. Alexander G. Gesmundo, Chief Justice, Supreme Court.

Pangako ng mayora na tututukan nito ang pagtulong sa Justice Zone dahil marami aniya sa kaniyang mga nasasakupan ang naghihintay ng sagot sa kanilang mga kaso.

“Actually, meron na eh mga barangay tagapamayapa, meron ding women’s desk, merong OFW desk. So, andyan na po sila we have just to ask them to work together and then create more awareness na kapag meron silang problema, meron na po silang madedependehan at matatawagan,” wika pa ni Mayor Fernandez.

Para kay Mayor Fernandez, isa ang Justice Zone sa magiging ‘best legacy’ ng kaniyang termino bilang alkalde dahil sa mabilis na hustisya na maaaring makamtan ng mga mahihirap na Dagupenyo na karaniwan ay nabibinbin nang mahabang panahon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI News on Rumble