Daily COVID-19 cases ng bansa sa January 2023, posibleng aabot ng mahigit 4-k

Daily COVID-19 cases ng bansa sa January 2023, posibleng aabot ng mahigit 4-k

POSIBLENG aabot sa mahigit apat na libong daily COVID-19 cases ang maitatala sa January 15, 2023 ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance ng DOH, dahil ito sa tumataas na mobility ng bansa ngayong holiday season.

Posibleng mahigit 2,200 rin ang mai-aadmit sa ospital sa panahong ito.

Nauna nang sinabi ng DOH na mula Disyembre 16-22, umaabot na sa 973 ang average daily cases ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter