Dalawang Alice Guo, nadiskubre ng NBI

Dalawang Alice Guo, nadiskubre ng NBI

NADISKUBRE ng National Bureau of Investigation (NBI) na mayroong ibang indibidwal na nagngangalang Alice Leal Guo.

Ibig sabihin, kapareho ito sa ginagamit na pangalan ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kaniyang personal documents.

Sa pinakalatest Senate hearing hinggil sa POGO operation sa Bamban, sinabi na maaaring isang kaso ito ng stolen identity lalo na’t magkapareho ang mga impormasyon ng dalawang Alice Guo maliban sa mukha.

Sa katunayan, parehong Hulyo 12, 1986 at ipinanganak sa Tarlac ang dalawa.

Nauna nang sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na magandang ipa-deport na si Mayor Guo.

Aniya, nagsisinungaling si Guo hinggil sa kaniyang umano’y pagiging Pilipino na sa katunayan ay isa itong native Chinese citizen.

Pinagbabatayan ni Gatchalian sa kaniyang pahayag ang aniyay isang Chinese passport ni Guo na may pangalang Guo Hua Ping.

Sa naturang passport, makikitang ipinanganak si Guo sa Fujian, China.

Sinabi na rin ni Gatchalian na gumagamit si Guo ng Philippine at Chinese passports sa pagitan ng taong 2008 hanggang 2011.

Dahil dito, sinabi ng senador na mainam na ma-revoke ang passport ni Guo dahil peke ang kaniyang birth certificate maging ang impormasyon na ibinigay ng kaniyang ama.

Sa ngayon ani pa ni Gatchalian, wala na rin naman aniyang special investor’s resident visa si Guo matapos nakansela ito noong 2011.

Samantala, may subpoena nang naka-issue kay Mayor Guo matapos hindi ito sumipot sa naturang hearing.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble