ARESTADO ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang katao na sangkot sa paggamit at pagtutulak ng droga.
Bumagsak sa malamig na rehas na bakal ang dalawang katao na umano’y sangkot sa paggamit at pagtutulak ng droga matapos mabilihan at maaresto ng Quezon City Police District station drug enforcement unit ng Galas Police Station (PS-11) kaninang 1:45 ng madaling araw ng December 14, 2021.
Ang dalawang suspek ay naaresto sa isinagawang drug Buy-bust Operation sa lugar ng Victory Ave. Corner Agno Ext., Brgy. Tatalon, Quezon City.
Kapwa nahaharap sa kasong paglabag ng Sec. 5 at Sec. 11, Art. II of RA 9165 kinilala ang mga ito na sina Andrew Mabini y Lopez, at Mar Panahon y Quevas.
Batay sa report ng team lider na si PLT Glenn F. Gonzales, sa ilalim ni station commander PLTCol. Von June B. Nuyda, nakuha nilang ibidensya sa dalawang suspek ang tatlong pirasong heat seald transparent plastic sachet naglalamn umano ng shabu na 0.14 grams at may ddb street value ng 952.00 pesos.
Sa eksklusibong panayam ng DZAR Sonshine Radio, sa dalawang nahuling suspek, na aminado silang gumagamit ng droga pero hindi sila nagtutulak.