Dallas Mavericks, talunan kontra Charlotte Hornets; 40 points ni Doncic, hindi umubra

Dallas Mavericks, talunan kontra Charlotte Hornets; 40 points ni Doncic, hindi umubra

TALUNAN ang Dallas Mavericks kontra Charlotte Hornets sa iskor na 110-104 sa naging laro nila nitong Lunes, March 27, Manila Time.

Nag-ambag sa panalo ng Hornets si Gordon Hayward sa pamamagitan ng 22 points; PJ Washington ng 21 points at 12 rebounds; habang si Mark Williams ay may 15 points at 16 rebounds.

Bagamat nag-ambag ng 40 points, 12 rebounds at 8 assists si Luka Doncic para sa Mavericks ay hindi pa rin nito nagawang ipanalo ang kanilang koponan.

Samantala, nag-ambag din para sa Mavericks sina Kyrie Irving ng 18 points at Tim Hardaway Jr. ng 15 points.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter