MABAGAL ang pagdaloy ng lava ng Bulkang Mayon na may haba na 2.8 km sa Mi-Isi Gully at 1.3 km sa Bonga Gully.
Habang may pagguho ng lava hanggang 3.3 km at 4 km sa Basud Gully.
Ito ay batay sa pinakahuling monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PAGASA).
Naitala rin ng PHIVOLCS sa bulkan ang 79 volcanic earthquakes, 216 rockfall events, 7 dome-collapse pyroclastic density current events, 8 lava front collapse pyroclastic density current events, at may on-going repetitive pulse tremor mula noong Hulyo 3.
Sa ngayon, nakataas pa rin sa Bulkang Mayon ang Alert Level 3 o high level of volcanic unrest hanggang ngayong araw.
Nananatili namang ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometrong radius permanent danger zone.
Maging ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.