KINANSELA na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang nasa P502.5K na hindi nabayarang amortization ng 220 agrarian reform beneficiaries mula sa Cebu Province.
Sa pahayag ng ahensiya, ang pagkakansela ng utang ay sumasaklaw sa kabuuang 170.382 ektarya ng lupang agrikultural sa mga bayan ng Pinamungajan, Toledo City at Aloguinsan.
Ang debt relief ay bahagi naman ng implementasyon ng Republic Act No. 11953 o ang New Agrarian Emancipation Act.
Layunin nito ang mawala na ang mga utang ng mga magsasaka upang mas may kakayahan na silang mamuhunan sa kanilang kabuhayan at mapabuti ang kanilang ani.