Data leak, walang kinalaman sa 2022 election ayon sa Smartmatic

Data leak, walang kinalaman sa 2022 election ayon sa Smartmatic

KINUMPIRMA ng Smartmatic Inc., ang service provider para sa 2022 automated elections na may nangyaring “data leak” sa kanilang system ngunit wala itong kinalaman sa 2022 election.

Sa signing ceremony, sinabi ni COMELEC Chairperson Saidamen Pangarungan na ang nag-leak na data ay may kinalaman sa internal organization at activities lamang ng Smartmatic.

Pinatawan na rin aniya ng Smartmatic ng disciplinary action ang empleyadong sangkot umano sa insidente kung saan tinanggal na ito sa trabaho.

Ayon sa poll body chief, siniguro ng Smartmatic sa COMELEC ang seguridad ng mga balota at hindi nakompromiso ang configured SD cards sa nangyaring internal data leak.

Sinabi ni Pangarungan na hihintayin muna ng COMELEC ang official report ng National Bureau of Investigation sa napaulat na data breach bago maglabas ng kanilang desisyon ukol sa insidente.

Follow SMNI NEWS in Twitter