Pacquiao, mas gustong hindi makisawsaw sa imbestigasyon ng Smartmatic sa Senado

Pacquiao, mas gustong hindi makisawsaw sa imbestigasyon ng Smartmatic sa Senado

MAS pipiliin ni presidential candidate at Senator Manny Pacquiao na hindi makialam kung magkakaroon ng imbestigasyon ang Senado hinggil sa issue ng “security breach’ ng Smartmatic.

Hinimok din Pacquiao ang iba pang mga senador na tatakbo sa May 9 general elections na huwag munang makisali sa isyung ito.

Aniya, ito ay upang hindi magkaroon ng conflict of interest.

Nananalangin naman si Pacquiao na walang magiging dayaan sa May 9 general elections at ibubulgar ng Diyos kung sino ang mandadaya.

Ang pahayag na ito ni Pacquiao ay ang kanyang sagot sa panawagan ng election watchdog na ‘Kontra-Daya’ na hindi dapat makisali sa imbestigasyon ang mga tumatakbong politiko upang hindi ito mabahiran.

Follow SMNI NEWS in Twitter