Dating AFP-WesCom Chief, walang pinasok na ‘new model’ agreement sa pagitan ng isang Chinese diplomat

Dating AFP-WesCom Chief, walang pinasok na ‘new model’ agreement sa pagitan ng isang Chinese diplomat

WALANG pinasok na kasunduan sa pagitan ng China si dating Armed Forces of the Philippines-Western Command (AFP-WesCom) Commander Vice Admiral Alberto Carlos.

Sa naging Senate hearing hinggil sa umano’y ‘new model’ agreement, sinabi ni Carlos na nakatanggap siya ng tawag noong Enero sa isang Chinese diplomat na kinilala nito bilang “Senior Colonel Li” ng Chinese Embassy.

Subalit ang tanging pinag-usapan lang nila ay kung paano mabawasan ang tensiyon sa West Philippine Sea (WPS) lalong-lalo na sa rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal.

Dagdag pa nito, wala rin aniya siyang ibinigay na pahintulot para mai-record ang kanilang pag-uusap na tumagal lang ng nasa tatlo hanggang limang minuto.

Inamin naman ni Carlos na nakilala niya ang Chinese diplomat sa ilang AFP special at diplomatic events.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble