NAKIPAGKITA ang dating Prime Minister ng Japan na si Aso Taro sa Foreign Minister ng South Korea na si Park Jin in sa Seoul.
Nag-usap si Aso at Park ukol sa pakikipagkita ni Aso kay South Korean President Yoon Suk Yeol noong nakaraang araw.
Si Aso bilang dating punong ministro ng bansa ang kasalukuyang pinuno ng komite na nakapokus sa pagtatatag ng bilateral cooperation kabilang ang iba pang pulitiko at mga negosyante mula sa Japan at South Korea.
Napag-usapan rin ang ilang bilateral na bagay gaya ng wartime labor issue, nagpalitan rin ito ng opinyon ukol sa kasalukuyang sitwasyon sa East Asia kabilang na ang pag-responde nito sa North Korea sa ulit-ulit na Ballistic missile launch.
Sinabi naman ni Park na ang mga lider ng Japan at South Korea ay nais rin na mas mapalapit pa ang bilateral na ugnayan sa isa’t isa.
Matapos ang pagpupulong nito, nag-alay si Aso ng mga bulaklak sa isang memorial para sa mga biktima ng crowd crush sa Itaewon district noong Sabado ng gabi.