Dating liaison officer ng kalaban ng estado, arestado sa Agusan del Sur

Dating liaison officer ng kalaban ng estado, arestado sa Agusan del Sur

KASUNOD ng pinaigting na operasyon kontra insurhensya at terorismo, naaresto ang isang dating liaison ng kalaban ng estado sa Agusan del Sur.

Ayon kay PRO Caraga regional director Police Brigadier General Pablo Labra II, kinilala ang suspek na si Manuel Aguio Cabrera, alyas Kumander Dolfo.

Si Cabrera ay kabilang sa Communist Terrorist Group (CTG) Priority Target at no. 13 Most Wanted Person Regional Level.

Siya ay mayroong alias warrant para sa kasong rebelyon na inilabas ng korte sa Prosperidad, Agusan del Sur noong Disyembre 17, 2015, kung saan walang inirekomendang piyansa.

Lumabas din sa imbestigasyon na sinalakay ng grupo ni Cabrera ang Loreto Municipal Police Station noong Disyembre 21, 2005.

Follow SMNI NEWS in Twitter