Dating lider ng CTG, hinatulang makukulong ng 17 taon

Dating lider ng CTG, hinatulang makukulong ng 17 taon

GUILTY beyond reasonable doubt ang naging hatol ng Regional Trial Court (RTC) Taguig Branch 266 sa dating lider ng CTG ng Quezon Province.

Ang akusadong si Maria Salome Crisostomo na nahaharap sa kasong rebellion ay hinatulang makulong ng 10-17 taon at 4 na buwan.

Siya ay inakusahan ng pag-atake sa Quezon Province noong Nobyembre 2005 na naging dahilan ng pagkamatay at pagkasugat ng mga sundalo, pagsira sa mga telecommunications sites, at mga ari-arian ng gobyerno.

Depensa naman ni Salome sa korte na wala siya sa Quezon Province noong mangyari ang pag-atake dahil nag-aaral siya noon sa St. Escolastica College sa Malate Maynila, pero hindi ito pinaboran ni Judge Marivic Vitor sa halip siya ay hinatulang guilty.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble