Dating lugar ng NPA sa Mt. Province, tinayuan ng P15-M na tulay ng pamahalaan

Dating lugar ng NPA sa Mt. Province, tinayuan ng P15-M na tulay ng pamahalaan

OPISYAL nang ipinagkaloob ng pamahalaan ang bagong tulay sa Brgy. Tamboan, Besao, Mountain Province.

Ang proyekto ay handog para sa mas mabilis na transportasyon at ekonomiya ng mga residente sa lugar na dati ring kilala bilang guerilla base ng NPA.

Ayon kay Gabriel Kawi, isang indigenous people mandatory representative, malaking bagay para sa kanila ang nasabing proyekto ng pamahalaan para sa mas magaan na pamumuhay ng kanilang mga ka-sitio lalo na sa paghahatid ng kanilang mga produkto sa kalapit na bayan o siyudad.

Aniya, mula pa noong dekada singkwenta nang hinangad nila ang isang maayos na tulay dahil kinakailangan pa nilang dumaan sa ilog para makatawid sa kabilang kalsada.

Ayon sa Philippine Army, sinsero ang pamahalaan para tulungan ang mga katutubong mamamayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nangangailangan ng suporta sa kanilang pamumuhay partikular na sa paglayo sa impluwensiya ng CPP-NPA-NDF.

Batay sa proyekto, natukoy ng pamahalaan ang Sitio Dandanac upang maging benepisyaryo sa ilalim ng Barangay Development Program na isang pangunahing programa ng pamahalaan na layong buhayin ang tulong ng gobyerno para sa mga komunidad na matagal nang hindi naabot nito.

Nagkakahalaga ang naturang proyekto ng P15 milyon.

Nakiisa sa seremonya si Executive Director Cesar de Mesa ng The Office of Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU).

Follow SMNI News on Twitter