BUMISITA kamakailan ang isa sa matalik na kaibigan ni Pastor Apollo C. Quiboloy na si dating National Security Adviser (NSA) General Hermogenes Esperon kasama ang pamilya at mga kapatid nito gayundin si National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo.
Kung saan nagkaroon sila ng pagkakataong maglaro ng paborito nilang sports, ang golf.
Matapos masaksihan ang Glory Mountain ng Bansang Kaharian, inihayag naman ng kapatid ni General Esperon na si Ms. Norma Esperon na ipagmamalaki nila ang kanilang mga nasaksihan.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang ilan pang kapatid ni General Esperon.