Dating opisyal ng Malakanyang, inisa-isa ang mga tinawag niyang ‘fake news’ ng Marcos Jr. administration

Dating opisyal ng Malakanyang, inisa-isa ang mga tinawag niyang ‘fake news’ ng Marcos Jr. administration

MATAPANG na kinuwestiyon ng isang dating opisyal ng Malakanyang ang mga aniya’y ‘fake news’ na ipinagkakalat ng kasalukuyang administrasyon.

Kasabay nito, isang mabigat na babala ang binitiwan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko.

“Si Mr. Marcos is veering towards a dictatorship. Pupusta ako, hindi ‘yan bababa pagkatapos ng kanyang termino,” ayon kay Hon. Rodrigo Roa Duterte, Former Philippine President

Matapos ang pahayag na ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bumwelta si Executive Secretary Lucas Bersamin.

Si Duterte mismo ang nagtalaga noon kay Bersamin bilang Chief Justice ng Korte Suprema—pero ngayon, tahasan siyang tinawag ni Bersamin na isang “one-man fake news factory.”

Itinanggi niya na papunta sa diktadurya ang gobyerno ni Marcos Jr.—na anak ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

“This hoax is another budol emerging from a one-man fake-news factory. As our actions have consistently demonstrated, we will stay the course in upholding the Constitution, in adhering to the rule of law, and in respecting the rights of the people,’’ wika ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Pero hindi ito pinalampas ng dating Chief Legal Counsel ng Malakanyang.

Ayon kay Atty. Salvador Panelo, mismong ang administrasyon umano ang tunay na promotor ng fake news.

Isa sa pinakamalaking halimbawa nito, ayon kay Panelo, ay ang pahayag ni Marcos Jr. na walang armas ang mga sumalakay na otoridad sa nangyaring 16-day KOJC Siege.

“Napanood ng buong mundo dahil may mga videong kumuha na ang mga pulis ay armado, armed to the teeth, meron silang dalang high powered riffles na yan kitang-kita sa video pero nang tinanong si Presidente Marcos Jr. about eh wala namang armado doon. Oh diba fake news yun?” saad ni Atty. Salvador Panelo, Former Chief Legal Counsel.

Pinuna rin ni Panelo ang misleading statements nina Marcos Jr. at Bersamin sa kontrobersyal na isyu ng blank items sa 2025 bicam report ng pambansang pondo.

Ayon kay dating Speaker Pantaleon Alvarez, may ₱241 bilyon umanong inilagay sa 2025 General Appropriations Act na nakapaloob sa 12 blank items sa 2025 bicam report.

“Hindi ba fake news yun? Kasi mini-misled niyo ang tao. Tinuturo niyo yung GAA na walang blanks eh talaga namang walang blanks yun. Ang mayroong blangko eh yung bicam report na naging batayan, basis ng enrolled bill,” ani Atty. Salvador Panelo.

Ibinunyag din ni Panelo na hindi umano totoo ang ipinagmamalaking paglago ng ekonomiya sa ilalim ng Marcos Jr. administration.

Giit niya – isa lang itong propaganda.

“Ang mga propaganda niyo—maganda ang ekonomiya o pero ano ang katotohanan? Ang katotohanan diyan hindi masawata ang pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin dito sa ating bansa,” saad ni Panelo.

Sa usapin ng kriminalidad, kinontra rin ni Panelo ang datos ng PNP na bumaba ang crime rate sa kasalukuyang administrasyon.

“Ano pa? Sabi nila ah okay yung illegal drugs na ‘yan na-contain natin eh hindi totoo. Nagkalat! Ang bayan ang saksi na bumalik with a vengeance,” dagdag nito.

Sa isyu ng seguridad, iginiit din ni Panelo ang panganib na idinudulot ng pagdami ng EDCA sites sa bansa.

“Inilagay sa panganib ang seguridad ng bansa. Kasi yang mga Amerikano na naririto ngayon sa atin, ang kalaban niyan ay ang People’s Republic of China. Galit na galit sila sa ginawa natin at sinabihan tayo sa ating mukha, kaibigan namin kayo pero naglalagay kayo ng mga missle center ng mga kalaban namin para kami atakehin dito. Ay hindi pu-pwede yan, kayo ang unang babanatan namin kapag nagkaputukan dito,” ani Panelo.

Giit ni Panelo, ang isang diktador ay hindi sumusunod sa Konstitusyon at sa Rule of Law.

Isa raw’ng patunay ang panggigipit kay VP Sara Duterte sa pamamagitan ng impeachment at ang panghihimasok sa mga political vlogger, online influencers, at content creators na kritikal sa administrasyon.

At kasabay ng paggunita sa 39th People Power Revolution, muling nagbabala si dating Pangulong Duterte.

FPRRD sa mga Pilipino: Magde-deklara ng martial law si Marcos Jr., gagayahin niya ang tatay niya

“Ang gagawin niya, magde-deklara ng Martial Law kagaya ng sa ama niya. Kapag may Martial Law, walang eleksyon. Siya na naman ang papalit (na diktador). Gagayahin niya ang ginawa ng kanyang tatay,” ayon kay FPRRD.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble