NAKIISA si Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasama ang kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte at iba pang kilalang personalidad sa politika sa ika-pitong araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally nitong Martes sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila.
Bukod sa libu-libong leaders at miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na siyang nag-organisa ng rally, ay libo-libo rin ang nakiisa mula sa iba’t ibang grupo at komunidad.
Sa nagpapatuloy na event, hindi naging hadlang ang relihiyon at kultura, mga Muslim at mga katutubo ay masayang nakiisa rito.
Mga nitibo nagsayaw-sayaw, kanta adtong bata.
Ang mga dumalo ay nasorpresa naman sa biglang pagdating ni VP Sara Duterte na personal na nag-ikot at kinamusta ang mga tao sa venue.
Si VP Inday ay una nang nagbigay ng kaniyang mensahe ng suporta para kay Pastor Apollo C. Quiboloy, araw ng Lunes.
Habang lumalim naman ang gabi ay mas nagliwanag naman ang prayer rally sa personal na pagdalo si Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Bukod kay Dating Pangulong Digong ay present din ang mga kilalang miyembro ng partidong PDP-Laban na sina Sen. Bong Go, Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa, at Sen. Robin Padilla na nagbigay rin ng kanilang mensahe.
Present din sa day 7 ng prayer rally sina Dating Presidential Spokesperson Harry Roque, Dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Dating PCSO Official Sandra Cam, Dating Congressman Glenn Chong, at Davao del Norte Congressman Pantaleon Alvarez.
Ang dating PAGCOR Board Member at singer songwriter na si Jimmy Bondoc ay naghandog naman ng isang orihinal na awitin.
Hindi rin nagpahuli ang program host ng Laban Kasama ng Bayan sa SMNI na sina Doctor Lorraine Badoy at Ka Eric Celiz kasama ang dating kadre na si Ka Peter Mutuc.
Ang Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally ay bukas para sa lahat ng mga nais dumalo. Ito ay magpapatuloy hanggang sa Marso 15 at magsisimula kada alas tres ng hapon.