‘Walang iwanan’: Ilang senador buo ang suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy

‘Walang iwanan’: Ilang senador buo ang suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy

HAYAGAN na ring nagpakita ng suporta ang ilang senador para kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa gitna ng nararanasan nitong panggigipit ng Kamara at ng komite ni Sen. Risa Hontiveros.

Sa ikapitong araw ng prayer rally sa Liwasang Bonifacio ay dumating sina Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Robin Padilla at Sen. Bong Go kasama si Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Sen. Bato, dumating ito sa prayer rally para ipakita ang pagiging tunay na kaibigan nito sa butihing Pastor.

Si Sen. Go, tiniyak naman nito ang suporta sa lahat ng Pilipino na nagmamahal kay Dating Pangulong Duterte.

Si Senator Robin Padilla, nanawagan naman sa taumbayan na huwag bumitiw kay Pastor Apollo na nagsakripisyo para sa bayan upang mapabagsak ang CPP-NPA-NDF.

Inaasahan na sa darating pang araw ng X ay marami pa ang makiisa sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble