Dating PCGG acting chair, itinilaga bilang bagong spokesperson ni VP Sara

Dating PCGG acting chair, itinilaga bilang bagong spokesperson ni VP Sara

ITINILAGA bilang bagong spokesperson ni Vice President-elect Sara Duterte si former Commissioner and Acting Chairman of the Presidential Commission on Good Government (PCGG) Atty. Reynold Munsayac.

Papalitan ni Munsayac si incoming Tourism Secretary at Liloan Mayor Christina Frasco.

Nagpapasalamat naman si VP Sara sa binigay nitong serbisyo bilang kanyang spokesperson.

Nag-wish naman si VP Sara kay Frasco para sa maayos na pamamahala nito sa Department of Tourism.

Kaugnay nito, ngayong araw mag-uumpisa na sa trabaho si Munsayac bilang spokesperson ni VP Sara.

Follow SMNI NEWS in Twitter