MULI na namang humarap ngayong araw sa Muntinlupa Regional Trial Court si dating Senador Leila de Lima kaugnay pa rin sa kinahaharap na kaso nito sa droga.
Alas otso kaninang umaga nang dumating sa pagdinig sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC), Branch 204 si dating Senador De Lima.
Ang pagdinig ay para sa nagpapatuloy ng unang presentation ng defense evidence ng dating senadora.
Ayon din kay Atty. Filibon ‘Boni’ Tacardon, lawyer ni De Lima, natapos na ng prosecution ang kanilang cross examination.
Sa panig naman ng kampo ni De Lima nagsasagawa rin sila ng cross examination.
Ayon din kay Tacardon, maraming naitanong ang prosecution kay Ronnie Dayan tungkol sa kanyang salaysay sa Kongreso at sa kanyang judicial affidavit kaya nagtagal ang cross examination.
Matatandaan noong nakaraang Mayo 6, naghain si De Lima sa korte ng Manifestation and Omnibus Motion para sa agarang pagbasura ng mga kaso laban sa kanyang pagpapalaya at para makapag-piyansa.
Kasunod ito ng pag-amin nina Kerwin Espinosa at dating NBI Deputy Dir. Rafael Ragos na gawa-gawa lamang nila ang ibinigay nilang testimoniya laban sa senadora.
Una na ring naghain si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III at Sen. Risa Hontiveros ng resolusyon matapos binawi ng ilang pangunahing testigo ang kanilang mga testimonya laban kay De Lima.
Ngunit iginiit ni Justice Secretary na nasa Muntinlupa RTC na ang hurisdiksyon ng kanilang apila.
Ayon sa DOJ, batay sa rekord, hindi pa pinipresenta ng depensa ang bumaliktad na si Ragos para magbigay ng testimonya.