Dating tagapagsalita ni FPRRD, nilinaw na 2019 pa nang ipinatigil ang reclamation sa Manila Bay

Dating tagapagsalita ni FPRRD, nilinaw na 2019 pa nang ipinatigil ang reclamation sa Manila Bay

NILINAW ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque na ang kautusang itigil ang lahat ng reclamation projects ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nangangahulugan wala nang aaprubahang proyekto.

Sa kaniyang programa sa SMNI News, sinabi ni Roque na ito ang kautusan ng dating Pangulo noon na ngayon ay mistula aniyang pinagsamantalahan dahil sa dami ng inaprubahang magsagawa ng reclamation sa Manila Bay.

Binigyang-diin pa ni Roque na taong 2019 ay naiirita na ang dating Pangulong Duterte sa mga nagla-lobby noon sa Malakanyang na mga malalaking negosyanteng nais magsagawa ng reclamation sa Manila Bay.

Dahil dito, nagdesisyon aniya ang dating Pangulo na itigil na ang pag-apruba sa mga alikasyon para sa reclamation.

Kaya giit ni Roque, dapat ay wala nang ibang bagong reclamation projects sa Manila Bay maliban sa mga naunang naaprubahan sa ilalim ng Duterte administration noong 2018.

Kaugnay nito, nais malaman ng dating tagapagsalita ng Palasyo mula sa Philippine Reclamation Authority (PRA) ang imbentaryo kung kailan nag-aplay at inaprubahan ang mga sinuspending reclamation projects.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble