PINATAWAN ng walong taong pagkakabilanggo ang dating prime minister ng Thailand na si Thaksin Shinawatra.
Agad na ikinulong ang bilyonaryong dating prime minister sa pagbabalik-bansa nito matapos ang 15 taong pagkaka-exile.
Matatandaan na lumipad ito sa abroad noong 2008 para maiwasan ang hatol na pagkakakulong dahil sa kasong pang-aabuso sa kapangyarihan.
Ang hatol na walong taong pagkakakulong sa dating prime minister ay kaugnay sa mga kaso nito na may kaugnayan sa dating Shin Corp Company, utang sa bangko at isang lottery case.
Sa kaniyang pagkakalulong ay tiniyak naman ng mga awtoridad na imo-monitor ang kalusugan ng 74 years old na dating opisyal.