Datos ng Afghan refugees na papasok sa Pilipinas, kinakailangang ilabas ng US–FPRRD

Datos ng Afghan refugees na papasok sa Pilipinas, kinakailangang ilabas ng US–FPRRD

KINAKAILANGANG ilabas ng US ang datos ng Afghan refugees na papasok sa Pilipinas ayon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

SA programa nitong Gikan sa Masa Para sa Masa kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, kinwestyon ni FPRRD ang Estados Unidos ukol sa Afghan refugees na nais nitong dalhin sa Pilipinas.

Ani Duterte kinakailangan ay magbigay muna ng datos ang Amerika kung paano binaha-bahagi ang refugees sa iba’t ibang bansa.

‘’Ang problema ko, sino iyong mga tao and how many. So, the United States must be open. Give me a list of the countries that you have influence or converted na tatanggap nitong mga inyong sponsored refugees ninyo. Hindi amin iyan, inyo iyan. So, malaking bagay iyan. Give us a list of the countries at kung ang distribution niyan iilan, how many Afghans are there—refugees,’’ ayon kay FPRRD.

Ayon sa dating pangulo, ang mga refugee na ito ay malinaw na empleyado ng Amerika at inilikas sa Afghanistan dahil na rin sa Taliban na ang naghahari roon.

Posible umanong balikan ng Taliban ang mga tauhan na ito ng US.

‘’Economic migrants-refugees iyan kasi iyang mga iyan nagtatrabaho sa inyo. For America in behalf of America, to favor America they were working with you in Afghanistan. You employ them so, ngayon na-over run ng Taliban, nanalo ang Taliban.’’

‘’So, ‘yung Taliban now is no longer there. But a new government—iyong revolution started by the Taliban, won. Iyong mga trabahante ninyo pinalabas ninyo doon, binitbit ninyo paglabas kasi talagang kakatayin iyan,’’ saad nito.

Wala ring diskriminasyon na ipinapatupad ang Pilipinas ukol sa pagtanggap ng refugees pero ang mga pinipilit dalhin dito ng Amerika ay iyong nasa panig lang din nito.

‘’I will accept anybody, respective of color or creed. In the name of humankind pero kasi kayo ang…you go there wherever you want to go and side with one party and in the end they lose and you lose your pants to in the process and now you want other countries to share the burden that you have impose in yourself, wala hindi kami kasali,’’ aniya.

Pilipinas, dapat huwag magpalinlang sa US pagdating sa armas–FPRRD

Dagdag pa ni Duterte, huwag masyadong palinlang sa mga armas na mula sa Amerika ito ay dahil lahat ng ito ay may bayad at binibili nga ng bansa mula rito.

Sa administrasyon ni Duterte noon, isinulong nito ang AFP modernization kung saan mas pinalakas ang pagbili ng mga armas at gamit sa depensa ng bansa upang mapigilan ang anumang pwersa na sumisira sa soberanya ng bansa.

‘’Look America, how many wars are you going to foist in other countries in the future, and you think that every country that you go to, talagang talo kayo palagi because America has not proven itself to be a worthy…kayong mga Pilipino sabihin ninyo ally, lahat iyang mga armas na binibigay nila binili natin iyan,’’ dagdag nito.

Baka dreaming kayo na magdating dito iyong mga barko, binibili iyan, pinagbibili iyan sa atin iyan ng Amerikano, maniwala kayo hindi iyan libre.

Bukas ang Pilipinas noon para sa pagtanggap ng refugees mula sa Afghanistan ngunit hindi umano nito matatanggap ang mga indibidwal na pilit na isinisiksik ng Amerika sa bansa

 

Follow SMNI NEWS in Twitter